Ang Toronto Public Library ay naghahandog ng maraming mga serbisyo, lahat LIBRE, upang tulungan kang makapanirahan sa iyong bagong lungsod.

Bumisita sa amin upang:

  • Kumuha ng isang library card. Ito ay libre. Ang tangi mong kailangan ay 2 piraso ng pagkakakilanlan, na may pangalan mo at tirahan
  • Gumamit ng isang kompyuter na magagamit sa lahat ng 100 mga sangay ng aklatan na may akses sa Internet, word processing at maraming mga database
  • Kumonekta sa libreng wifi sa lahat ng mga sangay ng aklatan
  • Humiram ng mga aklat, mga pelikula, at higit pa sa pagpunta doon nang personal sa isang sangay o online. Ang mga materyales ng aklatan ay makukuha sa higit sa 40 mga wika
  • Makipagkita sa isang settlement worker na maaaring makatulong sa iyo sa paghahanap ng trabaho, kumuha ng isang lisensiya sa pagmamaneho at higit pa
  • Dumalo sa mga klase upang matuto at magsanay ng Ingles
  • Mag-download ng hanay ng mga elektronikong mapagkukunan para sa mga nasa hustong gulang at mga bata kabilang na ang mga materyales para sa Ingles bilang Ikalawang Wika
  • Pumunta sa aming mga programa tungkol sa sari-saring mga paksa, kabilang ang kung paano magsimula ng isang maliit na negosyo, mga oras ng kuwento para sa mga bata, at paghahanap ng trabaho
  • Makipag-ugnayan sa kawani ng aklatan sa 100 mga sangay. Malugod naming tatanggapin ang mga tanong ninyo at umaasa na makatulong sa iyo. Kami ay may akses sa mga tagasalin-wika para sa maraming mga wika

Sa ngalan naming lahat sa Toronto Public Library kami ay umaasa na makilala ka sa madaling panahon at makapagbahagi ng maraming mga mapagkukunan para sa iyong tagumpay!